Authors: Matthea, Sophia, Cassie, Julienne, Coleen, Fatima, and Sabina

Magandang araw mga mambabasa! Mayroong ilang mahahalagang paksang mapag-uusapan natin ngayon. Ngunit ay magsisimula tayo sa modernisasyon ng mga PUV o Public Utility Vehicles.
Pinagiisipan ng gobyernong paalisin ang mga mga pampublikong sasakyang pang-transportasyon tulad ng bus at jeepney. Ito ay planong ipagpapalitan ng mas pinagandahang bus mula sa Tsina.
Nang iyon ay nasabi, magpatuloy na tayo sa ilang mga komento at opinyong may kaugnayan sa paksang ito. Ang mga komentong ito ay nagsasaad na:
• “Ang PUV ay isang seryosong bagay. Sa aking opinyon ay ang jeepney ay parte ng ating kultura. Ang pagkawala ng mga dyip sa ating bansa ay ang pagkawala na rin ng isa sa mga pinakatanyag na pasyalan sa bansa. Ang pagtuklas ng proyektong ito ay gagawa ng paraan para sa mas napapanahon, ligtas sa kapaligiran, at ligtas para sa lahat ng sasakyan.”
• “Minsan ay mabuti naman ito, ngunit kung sinusubukan nilang tanggalin ang isang bahagi ng ating kultura at palitan ito ng moderno at mahal na alternatibo, hindi ako masasang-ayon dito.”
• “Sa aking opinyon, sa tingin ko hindi dapat payagan ang modernization ng mga PUVs dahil ito ang pangunahing pinagmumulan ng kita ng mga PUV dribers. Kung mawawalan silang trabaho, wala na silang trabaho at income. Ito rin ay bahagi ng ating kultura at kawawa ang mga tao na walang sasakyan pero kailangang maglakbay.”
Sa konklusyon, hindi sang-ayon ang mga tao sa modernisasyon ng mga PUV. Ang jeepney ay parte ng ating kultura. Maraming mga driber ay mawawalan ng trabaho.
Pero, paano ang modernisasyon ng mga PUV at ang mga komento ng mga tao ay may relasyon sa tanong “Bakit mahalaga ang pagkakaisa sa isang bansa?”?
May relasyon ang mga bagay na ito dahil may mga tao na hindi sang-ayon sa mondernisasyon ng mga PUVs, at kailangan nilang magkaisa upang mapakingan ng pamahalaan. Pero, upang makamit ang pagkakaisa, dapat may pagkapantay-pantayan, at may respeto sa mga karapatang pantao ng iba tulad ng karapatang maging ligtas sa kanilang bahay, mga papel, at iba pa.
Pero, bakit mahalaga ang pagkapantay-pantay at pagresepto sa karapatang pantao?
Ang pagkapantay-pantay, karapatang pantao, at hindi pagnanakaw ay mahalaga sa adbokasiyang ito bilang kailangan natin ito upang magawa natin ang ating pang-araw-araw na mga gawain. Maaari ay itong lumikha ng kapayapaan at pagkakaisa sa ating bansa. Kung may kapayapaan at pagkakaisa, maaari tayong mamuhay bilang isa.
Ngunit, paano nating maipapalaganap ang mga adbokasiya na ito sa lahat?
Bilang isang mamamayan ng bansa, kailangan nating magsimula sa ating mga sarili. Ang ilang simpleng paraan ay ang pagsusunod ng mga batas at pagsasabi sa iba na gawin ang tama sa halip ng paggagawa ng mali. Isa pang paraan ay ang pagrerespeto at ang paggagalang ng ating kapwa upang mas mapaunlad ang ating bansa.
Panghuli, sagutin natin ang tanong “Bakit mahalga ang pagkakaisa sa isang bansa?”. Mahalagang magkaisa at makilahok sa gawain ng bansa dahil mas magandang magtulungan kumpara sa pagtratrabaho ng mag-isa. Titiyakin nito ang isang ligtas na kapaligiran ng tayo ay iginagalang.