
Si Josefa Llanes Escoda ay ang nagtatag ng Girl Scouts Of the Philippines. Siya rin ay isang guro at ang unang social worker sa Pilipinas. Ipinaganak siya sa Dingras, Ilocos Norte noong Septyembre 20, 1898. Ang kanyang magulang ay sina Mercedes Madamba at Gabriel Llanes. Ang kanyang asawa ay si Antonio Escoda.
Marami ginawa si Josefa, maraming siyang mga kontribusyon sa Pilipinas noong panahon na nasakop ang bansa ng mga hapon. Isa na rito ang pagtatag ng Girl Scouts of the Philippines. Nakamit niya ang high school teacher certificate galing sa University of the Philippines, at kinalaunan ay bumiyahe siya sa Estados Unidos. Sa Estados Unidos niya nakilala si Antonio Escoda na naging asawa nito, at nagkaroon sila ng dalawang anak.
Sa ikalawang pagbisita niya sa Estados Unidos bago mag World War II, siya ay nagkaroon ng intense na training sa Girl Scouting. Pagkatapos, bumalik siya sa Pilipinas at tinuruan ang mga kababaihan na maging mga pinuno ng Girl Scout. Siya din ang nagpasimuno ng Girl Scout Troops.
Noong Mayo 26, 1940, pumirma ang Pangulong Manuel Quezon ng charter of the Girl Scouts of the Philippines. Si Josefa Llanes Escoda ang naitalagang unang pambansang tagapagpaganap ng Girl Scouts of the Philippines.
Kahit sa pagsakop ng Hapones sa bansa, ang mga pinuno ng Girl Scout at ang mga boluntaryo ay patuloy na tumutulong sa mga biktima ng giyera. Nakatulong sila sa mga ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mensahe galing sa pamilya ng mga nakulong, nagbibigay ng mga gamit sa mga nakulong at mga tao sa concentration camps at tumutulong magbigay ng pagkain para sa mga tao na nagugutom at sa mga mahihirap.
Noong 1944, ang mga pagtulong ni Josefa at ang kanyang asawa ay natuklasan ng mga Hapon. Hinuli nila si Josefa at ang kanyang asawa at ikinulong ang dalawa sa Fort Santiago. Pinatay si Josefa noong Enero 6, 1945.
Paano ko mapapakita ang aking pagpapahalaga sa mga Pilipino na lumaban at ipinakita ang kanilang pagmamahal para sa bansa sa panahon ng Kolonisasyon ng Hapon?
Pinapakita ko ang aking pagpapahalaga sa mga Pilipino na lumaban at ang kanilang mahal para sa bansa sa panahon ng Kolonisasyon ng Hapon sa pamamagitan na paggunita sa kanilang mga ginawa para sa ating bansa at ano ang naging kontribusyon nila. Ang pagsasabi ng kanilang kwento ay nakakatulong sa pagpatuloy ng kanilang mga pamana at malaman natin anong ginawa ang mga Pilipino upang hindi tayo masakop muli.
References:
https://guidehistory.wordpress.com/2020/06/16/josefa-llanes-escoda/
https://msc.edu.ph/gsp/josefa.html
Picture:
https://philippineculturaleducation.com.ph/llanes-escoda-josefa/