Covid-19: Ang problema ng mundo at ang soluyon

Ang Covid-19 ay isang virus na galing sa Tsina. Pagkatapos ng ilang buwan, ang kaso ng Covid-19 ay tumaas. Noong March 11, 2020, ang World Health Organisation (WHO) ay napahayag na tumataas na ang kaso nito at ngayon ay isa nang pandemya. Itong pandemya ay naka apekto ang buong mundo. Maraming tao ang nakakuha ang virus na ito, at marami na ang namatay. Ito ay nakakaapekto sa mga buhay ng mga tao, at ang mga pamilya nila.

Ang Covid-19 ay puwede makuha kung ikaw ay malapit sa isang tao na may Covid-19. Puwede din mahawa ng Covid-19 sa paghawak sa mata, ilong, o sa bibig gamit ang maduming kamay. Dahil sa mga ito, mabilis ang  pagkalat ng Covid-19. Sa mga nagpopositibo sa Covid-19, minsan walang nararamdamang sintomas nito.

Pwede pa rin nating maiwasan magkaroon ng Covid-19. Isa na dito ay ang pagsuot ng face mask. Kung mayroong tao na umubo sa iyong mukha, maliit lang ang tsansa na ikaw ay mahawa kung ikaw ay naka-mask. Ang iba pang pwedeng gawin ay maghugas lagi ng ating mga kamay. Ang tubig at sabon ay nakakatanggal ng mikrobiyo sa iyong mga kamay.

Ngayon, meron nang bakuna sa Covid-19. Kalag ikaw ay pwede na magpabakuna, hinihikayat na magpabakuna na. Pero, dapat pa din gawin natin ang mga safety protocols, dahil andito pa rin tayo sa pandemya.

References:
https://www.who.int/news-room/questions-and-answers/item/coronavirus-disease-covid-19-how-is-it-transmitted#:~:text=The%20“Three%20C%27s”,spaces%20with%20poor%20ventilation.

https://www.euro.who.int/en/health-topics/health-emergencies/coronavirus-covid-19/novel-coronavirus-2019-ncov#:~:text=On%2031%20December%202019%2C,2019%2DnCoV%E2%80%9D

Leave a Comment